INTRODUCTION
Paano matuto mag-gitara? Unang-una sa lahat pag-isipan munang mabuti kung gusto mo ba talaga matuto, dahil lahat ng bagay ay mahirap sa simula. Oo mahirap talaga pero kung gusto mo talaga iyon ay kahit gaano kahirap mag-tyatyaga ka para makamit ang gusto mo, dba?. Bukod sa pisikal na sakit ng daliri ay masusubok din ang iyong determinasyon.
Kung gusto mo lang matuto mag-gitara para mag-pasikat sa mga chicks, ewan ko na lang sayo hehe. Malamang matulad ka sa iba na natuto lang ng kaunti at di na nag-progress o hindi nag improve dahil wala na silang ibang dahilan para matuto.
Yes inaamin ko, noong ako ay nagsisimula pa lang ay gusto ko lang mag-pakitang gila sa mga babae hahaha… Pero di nagtagal na-inlove ako sa pag-gigitara, dahil dito naipapahayag ang aking emosyon (ang drama bessy haha).
DESIDIDO KA NA TALAGA?
Ok, ok bessy, kung tingin mo talagang desidido ka na talagang matuto edi maghanda ka na basahin ang mga ibabahagi ko sa blog na to. Binalaan na kita na hindi madali matuto ha, maraming beses na ma-frufrustrate ka at iinit ang ulo mo dahil sa sakit ng daliri at may mga bagay na hindi mo maiintindihan agad.
Ngayong nakapag-ispip-isip ka na, ihanda na ang giyong gitara bessy…..Lets get it on!!! woof woof…