search box

Friday, October 13, 2017

PINOY BEGINNER GUITAR LESSONS NO.1 - Mga dapat malaman sa iyong instrumento

ACOUSTIC O ELECTRIC?
Marahil nag-tatanong ka kung ano ang pinagka-iba ng Acoustic Guitar sa Electric Guitar. Opo bessy parehas silang pwedeng isaksak sa amplifier para mas malakas ang tunog (kung may pickup ang acoustic mo) at parehas din na may anim na string ang normal na gitara. Ang pagkaka-iba nila ay sa tunog, magkaiba ang vibration ng mga strings sa dalawang instrumento, ang Acoustic ay may unique na tunog at ang Electric ang may sariling unique na tunog. Bukod dun ay may mga technique na madaling gawin sa Electric kesa sa Acoustic. Para silang babae, may easy to get at hard to
get….hmmm parang di nararapat ang example na iyon ah….hehe….. Ang body din ng Electric ay solid na kahoy, ang bridge nito at mga saddle pwede mo ma-adjust para sa gusto mong taas ng string, pero sa acoustic di basta basta nagagawa yun.. Ang lamang naman ng Acoustic ay hollow sya kaya may malakas na tunog kahit di gumamit ng amplifier…pwedeng pwede pangharana sa chicksssssss…
Well, anyways bessy, basta magkaiba sila ng gawa, pero parehas silang gitara.

So kung bibili ka pa lang ng gitara at di makapag isip kung alin sa dalawa eh mag-pabili ka na kay mommy ng parehong Acoustic at Electric,haha….Kung di naman rich kid kagaya ko at isa lang ang pwedeng piliin eh ang advice ko yung acoustic na lang para di muna gumastos sa amplifier at isa pa nag-sisimula ka pa lang di ka naman gagawa ng mga bonggang bonggang technique….


MGA PARTE NG GITARA

Acoustic Guitar


Electric Guitar


Makikita ninyo sa imahe ang mga parte ng gitara, halos parehas lang diba?...Di ko na kaylangan pang ipaliwanag ang mga yan, maliban sa pickup selector ng Electric Guitar. Ang gamit lang nyan ay para piliin kung alin sa mga pickup ang gagamitin o mag-fufunction, para lang sa ibang tunong, magkaiba kasi ang tunog ng bridge pickup sa neck pickup.


ANG MGA STRINGS
Importanteng alam mo ang pangalan ng mga Open Strings, ang Open Strings eh yung mga string na hindi sarado kasi nakabukas….hehe..joke lang…..Ito yung pangalan ng mga string kapag wala ka pang pinipindot( tignan ang imahe). Kapag sinunod mo yan, “Standard Tuning” ang tawag dyan bessy or Concert Pitch sabi sa librong nabasa ko noon. Yan kasi ang normal o kadalasang gamit na tuning.  Maraming klase ng tuning ng gitara pero sa standard lang muna tayo ha….

Ngayon sasabihin mo parang baliktad yata yung piktyur….hindi po bessy ganyan talaga yan ang top string ay yung pinaka manipis at bottom string naman yung pinaka-makapal.. Nagtataka ka parin kung bakit? Kasi kapag hawak mo yung gitara tapos itatagilid mo siya para humarap sayo diba naging top na yung pinaka manipis…..Basta ganun yun… Imemorize mo yung mga pangalan nila ha, simulan mo sa bottom string bale E-A-D-G-B-e pag numbering naman 6-5-4-3-2-1… Para madaling imemorize eh sundin mo yung nasa imahe bessy E-lephants, A-nd, D-onkeys, G-row, B-ig, e-ars.. Yan simple lang yan.

PAG-TONO NG STRINGS
Sa stage na ito na nag-sisimula pa lang, hindi ko muna ituturo ang manual na pagtono ng mga strings. Noong ako ay nag-sisimula pa lang nahirapan talaga ako magtono kasi hindi pa na dedevelop ang musical ears ko kaya hindi ko pa masabi kung tama o mali yung tunog(pati yung crush ko di pa kami na dedevelop haha)… Wag ka mag-alala habang tumatagal mag imimprove din at mapapansin mo na ang mga wala sa tono. Sa ngayon kaylangan muna natin gumamit ng tuner, kung wala kang tuner pero may android phone ka ay idownload mo sa play strore yung Guitar Tuna, ginagamit ko yang tuner app na yan minsan. Tapos sundin mo lang yung nasabi sa taas na pangalan ng string. Simulan mo sa pinaka makapal na string, pihitin ang tuning key hanggang lumabas ang E, ganun din sa ibang String(A-D-G-B-e).

Kapag na tono na iyong pinakamamahal na gitara pwede ka na mag praktis….

Rak en Roll!!!!

Sa susunod na post ko eh magbibigay ako ng chords na prapraktisin…

Hanggang dito lang muna bessy, salamat sa pag-babasa…


“NEVER GIVE UP”