Ang guitar chord chart ay ang imahe ng mga hugis ng chords
sa gitara. Importanteng alam mo kung paano ito basahin dahil sa aking karanasan
noong ako ay na-tututo pa lamang ay hirap akong i-memorize ang mga chords kaya
lagi akong nakatingin sa mga chord chart.
Makikita nyo ang imahe sa taas ay ang halimbawa ng chord chart na aking ginagamit sa mga tutorials sa aking youtube channel. Ang makapal na horizontal line o yung naka-higang linya ay sumisimbulo sa nut ng gitara, ang mga maninipis naman ay ang mga frets. Ang mga vertical lines naman o yung nakatayong linya ay sumisimbulo sa mga strings (Low E mula sa left papuntang high e sa right). Ang malalaking itim na bilog ay ang mga fret na pipindutin habang ang mga putting bilog ay ibig sabihin “open string”, dapat kasamang patutunugin pag nag-strum. At ang mga numero naman sa ibaba ay kung anung daliri ang gagamitin (nasa lesson no. 1 yung numbers ng daliri).
Example 2:
Ang halimbawa sa itaas ay nag-papakita ng isang hugis ng G
chord parin ngunit isa itong barre chord., ibig sabihin ang hintuturo ng
fingering hand ay gagamitin upang mapindot ang maraming string sa isang fret.
Kung mapapansin ninyo ang mahabang baluktot na linya, yan ang simbolo na ibig
sabihin dapat pinduting ang mga sakop na string gamin ang finger number 1.
Example 3:
Kapag may maliit na “m” ibig sabihin minor chord ito. Kapag
malaking M ibig sabihin Major chord, pero kadalasan wala nang M na nilalagay sa
mga Major chords.
Minsan naman may numero sa gilid ng chord chart, sinsasabi
nito na hindi na sa nut nagsisimula ang chart kundi sa nasabing fret number.
Oo, number ng fret iyon… Ang halimbawa sa itaas ay example ng C#m na
nag-sisimula sa 4th fret. Iyung X sa itaas ibig sabihin muted dapat sya
or wag patunugin pag nag-strum. Madali lang maintindihan yan bessy hehe.
GUITAR TABS
Ang guitar tabs o Guitar Tablature ay mga simbulo na
ginagamit upang ma-interpret ang mga dapat gawin sa gitara, kadalasan itong
ginagamit ng mga nag-aaral ng lead guitar. Dinagdag ko na ito dito sa lesson upang mag karoon kayo ng
kaunting ideya kung ano ito. Hindi pa natin ito masyadong pag-uusapan ngayon.
Example 1:
e----3----
B---3----
G---0----
D---0----
A---2----
E---3----
Ang nasa
example natin ay isang G chord. Ang mga numero ay ang mga fret at ang mga
linyang putol-putol ay ang string. Hindi mo malalaman kung anung daliri ang
gagamitin kapag guitar tab ang babasahin mo sa pag-aaral ng chords, kaya hindi
muna natin ito pag-uusapan ngayon, sa susunod na lang kapag nag-aaral na tayo
ng mga technique na bongga….hehe.