search box

Saturday, October 21, 2017

PINOY BEGINNER GUITAR LESSONS NO.3 - Unang Chord Progression

ANG IYONG UNANG CHORD PROGRESSION
Yehey bessy, nandito na tayo sa part kung saan gagamitin na natin ang ating mahiwagang gitara, dito na tayo mag-hihirap haha. Pero OK lang yan nandito ako para samahan kayo sa kalbaryong mararanasan.

Ang chord progression ay ang pagkaka-sunod-sunod ng mga chords mula sa isang family chords. Ang familiy chords naman ay isang grupo ng chords na compatible sa isat-isa, sila yung mga chords na laging mag-kakasama.


Example 1:






Ang nasa example 1 (G-Em-C-D chord progression) ay ang unang chord progression na natutunan ko dahil ito sa tingin ko ang pinakamadali. Kabilang sila sa family chords ng G or nasa Key of G Major. Hindi lang yan ang mga chords sa nasabing key pero yan lang muna ang aaralin natin.

Aralin muna ng mabuti ang mga position ng daliri para sa mga chords na nasa example… Take your time bessy alam ko di madali pero kaya natin yan.

Kapag medyo nakukuha mo na yung mga hugis ng chords subukan mo i-strum yung mga strings, siguraduhin na tutunog lang yung dapat tumunog na string..

Sa puntong ito kapag nag-iistrum kayo eh yung hintuturo nyo sa strumming hand ang gamitin, yung parang pumipitik kayo ng kulangot pababa haha, pero dahan-dahan lang. Tag isang strum lang muna kada chord hanggang mapatunog nyo ng maayos ang gitara.. As much as possible sana walang sabit ha. Basta ang goal natin eh makabisado yung position ng fingering hand natin at mapatunog ng malinis.
Oo nga pala.. sasakit ang daliri nyo, magtutubig at magbabalat. Pero Oks lang pagkatapos niyan para kumapal ang balat sa daliri hindi sa mukha hahaha. Tiis-tiis lang, isipin nyo hinaharana nyo crush nyo.

So dito ko muna tatapusin ang lesson natin, mag-praktis  kayo ha. See you ulit sa susunod kong post.

Good luck bessy.